-- Advertisements --

NAGA CITY – Ilang armas at granada ang nakumpiska ng mga sundalo sa isinagawang operasyon sa Sitio Batangasan, Barangay San Andres, Tanay, Rizal.

Sa ipinadalang impormasyon sa Bombo Radyo Naga ni Capt. Patrick Jay Retumban, Chief ng Division of Public Affairs Office (DPAO) ng 2nd Infantry Division Philippine, sinabi nitong tatlong baril, limang hand grenades at rifle grenade ang narekober ng 80th Infantry Batallion.

Ayon kay Brigadier General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng 202ng Infantry Brigade, ang matagumpay na operasyon na ito ay resulta ng tulungan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga dating rebelde na sumuko na sa gobyerno.

Ang nasabing operasyon ay bahagi rin umano ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF ELCAC) 4A’s.

Napag-alaman na ang nasabing mga kagamitan ay mula sa mga itinuturing teroristang grupo na umanoy nangingikil at target ang mga sakahan sa lugar.