-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Inihahanda na ang kasong isasampang kontra sa isang gumagawa ng baril na inaresto sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Dayao, Mandaon, Masbate.

Kinilala ang suspek na si Jerry Amistoso na residente ng naturang lugar.

Ito ay matapos na hindi makapagpresenta ang kaukulang legal na dokumento sa paggawa ng mga armas.

Kabilang sa mga nakumpiskang ebidensya ng mga operatiba ang dalawang kalibre .45 na baril; caliber .9mm; anim na kalibre .38; isang caliber .30 carbine, isang improvised M16 rifle na may magazine na kargang pitong bala; isang improvised 12-gauge shotgun; at iba’t ibang uri ng bala para sa naturang mga armas.

Narekober naman ang ginamit na buy bust money na P500 at iba pang boodle money.

Dinala na ang suspek at mga ebidensya sa kustodiya ng Mandaon Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Nakatakda namang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang nasabing suspek.