Pinapa-recall na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang mga armas na pag aari ng broadcaster na si Erwin Tulfo.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, expired na kasi ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ni Erwin kaya mas mabuting isuko o ipasailalim muna nito sa police custody ang kaniyang mga armas.
Sinabi ni Banac kapag hindi isinuko ni Erwin ang mga armas o magiging subject na ito for search warrant.
Kinumpirma ni Banac na sinulatan na ng PNP Firearms and Explosive Office (FEO) si Tulfo kahapon at sinabing ipatago muna sa kanila ang mga armas.
Nilinaw naman ni Banac, na hindi kinansela ang lisensiya ng kaniyang baril.
Paliwanag pa ng opsiyal kapag nasa pangangalaga ng PNP ang kaniyang armas, maaari aniyang asikasuhin nito ang pagre-renew ng kaniyang LTOPF para magamit ang baril.
Tumanggi naman ang PNP na tukuyin kung ilan ang armas na pagmamay-ari ni Erwin.
Dagdag pa ni Banac hanggat hindi natatapos ang eleciton period ay hindi makakapag-apply for renewal ng LTOFP si Erwin.
Sasailalim din aniya sa normal procedure si Erwin sa pag-apply ng renewal.