Nakubkbo ng mga sundalo ang isang kampo ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Sitio Batangasan, Barangay San Andres, Tanay, Rizal.
Ayon kay 2nd Infantry Division spokesperson Captain Jay Patrick Retumban, natunton ng mga sundalo ang nasabing kuta base sa impormasyon na ibinahagi ng mga sibilyan sa lugar.
Nakumpiska ng mga sundalo ang tatlong armas, limang granada at isang rifle grenade.
Ayon kay Philippine Army 202nd brigade commander Brig. Gen.Arnulfo Burgos, nagsagawa ng intelligence operation ang mga tropa ng 80th Infantry Battalion nang makumpiska ng mga ito ang mga nasabing armas.
Kinumpirma naman ni 80th IB commanding officer Lt.Col.Christopher Diaz na ang mga narekober na mga war materials ay pagmamay-ari ng extortion group ng mga rebelde.
Sinasabing iniwan ng mga NPA ang kanilang mga armas ng mapansin ang pwersa ng mga sundalo sa lugar.
Hinimok naman ni Burgos ang mga miyembro ng NPA na magbalik loob sa gobyerno para makapagsimula ng panibagong buhay.