-- Advertisements --

Nagpakita ng suporta ilang mga kilalang pangalan sa karapatan ng LGBT communities sa Poland.

Kinabibilangan ito ng kilalang writer Margaret Atwood at actor James Norton.

May kaugnayan ito sa naging pahayag ni Polish President Andrzej Duda na mas nakakasira ang LGBT communities kumpara sa terorismo.

Nagsulat ang mga ito sa pangulo ng European Union Commission at hiniling na dapat gumawa agad ng hakbang para ipagtanggol ang LGBT rights sa Poland.

Sa kasalukuyan kasi ay hindi kinikilala ng Poland ang pagsasama ng mga parehas na kasarian.