-- Advertisements --
SCOUT RANGER
Army Scout Ranger

Welcome sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang iba pang artista na nais maging bahagi ng AFP reserve force at sumailalim sa Scout Ranger Training.

Una nang pinuri ng ilang mataas na opisyal ng AFP ang boluntaryong pagsailalim sa 45-day Scout Ranger Orientation Course Training ng aktor na si Matteo Guidicelli.

Pinuri ni 6th Infantry Division commanding general Maj. Gen. Cirilito Sobejana ang ginawa ni Matteo na kitang-kita raw sa aktor ang mataas na lebel ng pagkamakabayan.

Nagsimula ang pagsasanay ni Matteo sa Scout Ranger course noong Lunes kung saan makakasama nito ang mga graduating PMA cadets.

Layon ng nasabing training ay para mahasa pa ang leadership skills ng mga sundalo at mga PMA cadets.

Si Sobejana, na Scout Ranger at Medal of Valor awardee, ang naging guest of honor sa isinagawang opening ceremony na ginanap sa Camp Tecson, Bulacan.

“We admire the spirit of volunteerism displayed by Matteo Guidicelli. Our country needs more like-minded inviduals who put the interests of the nation before their own. He certainly embodies the ideals of a disciplined and mission-oriented soldier of the Philippine Army,” wika pa ni Sobejana.

Paliwanag naman ng heneral na ang 30-45 days Scout Ranger training ni Matteo ay nakatutok sa orientation and leadership course na hindi nagre-require ng test mission.

Sinabi ni Sobejana ang regular Scout Ranger Training ay umaabot ng anim na buwan at dito nire-require samga estudyanteng sundalo na sumailalim sa test mission bago madeklara silang graduates.