Aminado ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) hindi na nila inaasahan na susuko ang mga artistang nasa drug list.
Ayon kay QCPD director Sr. Supt. Guillermo Eleazar na malaki kasi ang posibilidad na mawalan ng career ang mga artista kapag sumuko ang mga ito sa pulisya at nadikit ang pangalan sa droga.
Tiniyak ni Eleazar na ang gagawin na lang aniya ng mga pulis ay titiktikan ang mga artista hanggang mahuli sila sa akto na gumagamit ng droga.
Samantala, ayon naman kay NCRPO chief Police Director Oscar Albayalde, sa ngayon nasa 57 artista ang nasa drug watch list nila pero ilan anya dito tumigil na sa paggamit ng droga batay sa kanilang surveillance.
Nilinaw naman ni Albayalde na walang pusher na artista sa kanilang listahan bagkus ito’y mga drug user at namamahagi lamang.