Sama-samang kinalampag ngayon ng mga asawa at kaanak ng mga bilanggong tumayong testigo laban kay dating Senadora Leila De Lima ang tanggapan ng Department of Justice.
Ito ay kasunod ng umano’y kumpidensyal na paglilipat sa kanilang mga asawa sa isang jail facility sa Sablayan sa Occidental Mindoro.
Ayon sa mga kaanak ng naturang mga bilanggo, hindi raw sila inabisuhan na ililipat ang mga ito sa ibang bilangguan noong Sabado ng gabi.
Sa isang pahayag ay sinabi ng asawa ng presong si Jerry Pipino, na pinahihintulutang mag “stay-in” visit sa maximum security compound ng New Bilibid Prison, na nakita niya mismong kasama ng mga tauhan ng Bureau of Corrections ang kaniyang asawa habang nakaposas.
Aniya, sinubukan niya pa raw padalhan ng gamot ang kaniyang asawa ngunit hindi raw ito pinahintulutan ng mga bantay.
Kalauna’y nalaman na lamang aniya nila na dadalhin pala ang kanilang mga asawa sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Sa kabila nito ay walang sinumang mga tauhan ng BuCor ang nagkumpirma sa kinaroroonan ng kanilag mga asawa.
Samantala, kabilang sa kanilang bilanggong tumestigo laban kay De Lima na sinasabing inilipat ay sina:
-Nonilo Arile, convicted for murder and kidnapping
-Herbert Colanggo, convicted for robbery with homicide
-Jaime Patio, convicted for kidnapping for ransom
-Engelberto Durano, convicted for frustrated murder and murder
-Rodolfo Magleo, convicted for kidnapping for ransom
-Noel Martinez, convicted for kidnapping for ransom
-Hans Anton Tan, convicted for robbery and direct assault with murder
-Herman Agojo, convicted for illegal sale and delivery of
methamphetamine hydrochloride (shabu)
-Thomas Dunena, convicted for murder
-Jerry Pipino, convicted for kidnapping