-- Advertisements --

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga mamamyan ng Russia matapos ang madugong missile attack ng Ukraine na tumama sa Makiivka na ikinasawi ng halos 100 sundalo nila.

Ito na ang unang pag-amin ng Russia na sila ay nalagasan ng nasabing bilang ng mga sundalo.

Nasa mahigit 200 protesters ang nagtipon sa Samara City ganun din sa Tolyatti, Syzran at Novokuybyshevsk.

Karamihan sa mga nagprotesta ay asawa ng mga nasawing sundalo na isinisi ang gobyerno dahil sa kanilang kapabayaan.

Una ng pinirmahan ni Russian President Vladimir Putin ang kasunduan na babayaran nila ng nasa $69,000 ang mga pamilya ng mga sundalong nasawi.