-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagpulong sa Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur ang lahat ng mga sub-leaders ng RD Flex Trading-Asia Business Corporation matapos na hindi na nagpapakita pa ang kanilang Chief Executive Officer na si Ryan Flores.

Kanilang napagkasunduan ang gagawing mga hakbang upang kanilang mahabol si Flores na bigla na lamang tinakasan ang mga miyembro kanyang dinala sa Maynila at hindi na nagpapakita pa.

Una nang inihayag ni Mt. Olive, Bayugan City Barangay Captain Rommel Monticalvo, na syang over-all leader sa nasbaing investment scheme na dumulog na sila sa Public Attorney’s Office (PAO) at kinunsulta ang pagsasampa ng kaso laban kay Flores.

Ito’y dahil kahit sila man ay sinisi ng mga miyembro matapos na kasama ang kanilang na-invest na pera sa milyun-milyong pisong natangay ni Flores, sa kabila ng katotohanang kahit silang mga sub-leaders ay nabiktima din nito.