-- Advertisements --
Ipinagbawal na ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagbebenta ng mga assault-style na mga armas.
Nakasaad sa bagong batas ang pagbabawal ng pag-angkat, pagbiyahe at pagbenta ng nasa 1,500 uri ng mga assault weapons.
Agad na epektibo ang nasabing ban pero mayroong 2 taon na amnesty period sa mga law-abiding gun owners para sila ay sumunod.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng nangyaring massacre noong buwan ng Abril na ikinasawi ng mahigit 20 katao.