-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Siyam na matataas na uri ng armas ang isinuko ng mga sibilyan sa militar sa probinsya ng Maguindanao.

Ang mga armas ay pag-aari ng mga residente na nagmula sa Barangay Poblacion, Pageda, Kilalan, Macadayon, Manggay at Brgy. Kiladap, Talitay, Maguindanao.

Isinuko ni Talitay ABC President Datu Fajad Midtimbang ang siyam na armas sa mga opisyal ng 90th Infantry Battalion Philippine Army.

Ito kinabibilangan ng dalawang M16 armalite rifles, limang shotguns, isang M14 rifle, isang .38 caliber pistol, mga magazines at mga bala.

“The handover of firearms is a continuing campaign against the proliferation of loose firearms in the area of 603rd Infantry Brigade,” ani Lt/Col. Crizaldo Fernandez, commanding officer ng 90IB.

Nagpasalamat naman si 6th ID chief, Maj. Gen. Cirilito Sobejana sa mga lokal na opisyal ng Maguindanao na todo suporta sa militar at pulisya sa kampanya kontra loose firearms.

Sa ngayon ay umaabot na sa 2,025 na mga loose firearms ang isinuko sa nasasakupan ng 6th ID.