INTERNATIONAL SPACE STATION – Bumati ng ‘Merry Christmas’ ang mga astronaut na nakabase sa Internatioanl Space Station (ISS).
Ang grupo ay binubuo ng mga astronaut na sina Suni Williams, Nick Hague, Butch Wilmore, at Don Pettit.
Ipinadala ng grupo ng mga astronaut ang kanilang recorded message habang nasa loob ng ISS kung saan mapapansin din ang isang maliit na Christmas tree sa kanilang tabi.
Maliban sa pagbati ng ‘Merry Christmas’, ikwinento rin ng mga ito ang ilan sa kanilang kinasasabikang gawin kapag sumasapit ang Pasko, pagkain nila sa space, ilan sa mga pinagkaka-abalahan, at iba pa.
Ipinaalala rin ng mga astronaut ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang ang Pasko sa malaking bahagi ng mundo.
Ayon sa National Aeronotics and Space Administration (NASA), nasa kalagitnaan ang mga ito ng kanilang mission na manatili at magtrabaho sa microgravity laboratory sa ISS.
Kabilang sa kanilang misyon ang pagbuo ng mga scientific knowledge at mga bagong teknolohiya na maaaring magamit ng mga ito.
Kasama rin sa ginagawa ng mga ito ang ilang serye ng robotic exploration mission na bahagi ng Moon and Mars exploration approach ng NASA.