-- Advertisements --
Makakabalik na sa daigdig ang dalawang US astronauts na naistranded ng mahigit na siyam na buwan sa International Space Station (ISS).
Kinumpirmaito ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang nakatakdang pagbabalik sa mundo nina Butch Baltimore at Suni Williams.
Makakasama nila sa SpaceX Crew Dragon ang isa pang American astronaut at Russian Cosmonaut.
Mula pa noong Hunyo ay nasa ISS na ang dalawa matapos na nagkaroon ng aberya ang Boeing Starliner spacecraft na siya sanang magdadala sa kanila sa mundo.
Ayon pa sa NASA na maaaring lumapag ang spacecraft nila sa karagatan ng Florida.
Kabilang na kasama ng dalawa ay sina Nick Hague at Roscosmos cosmonaut Aleksandr Gorbunov.