-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Puspusan na ang pagsasanay ng mga atleta mula sa Soccsksargen para sa nalalapit na Palarong Pambansa.

Ayon sa Curriculum Implementation Division Chief ng Department of Education (Deped) Sarangani na si Dona Panes, may selection ng naganap sa qualifying event na ginanap sa Tagum City kung saan ang mga nanalong atleta ang mag-represent sa Region XII sa palaro.

Preparado na rin aniya ang mga budgetary requirements at for releasing na rin ang allowance ng mga atleta.

Ayon din sa kanya may mga training ng ginanap sa kanilang regional office at maging ang mga coaches din ay nagsasagawa ng kanilang sariling pagsasanay kasama ang mga atleta.

Nabatid na ang softball contender na nagmula sa Sarangani ang may malaking tsansa na manalo ayon na rin umano sa record ng nasabing team na kasali na sa special education program in sports ng rehiyon.

Gaganapin ang 63rd Palarong Pambansa ngayong sa Marikina City, na magsisimula sa July 29 at matatapos sa August 5, 2023.