Naibigay na ng Malacañang ang mga insentibo para sa mga atletang nagwagi ng mga medalya sa Tokyo Olympics.
Personal na iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkilala at mga cash incentives kina Pinay weightlifter at kauna-unahang Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, silver medalists na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Marcial.
Nabigyan si Diaz ng Presidential Medal of Merit, P10 milyon na nakasaad sa Republic Act 10699, karagdagang P5 milyon para sa pagbasag sa Olympic record, P3-M cash incentive mula sa Office of the President at ang certificate ng housing unit mula sa National Housing Authority.
Habang sina Paalam at Petecio ay nabigyan ng tig-P5 milyon na nakasaad sa RA 10699 at P2-M mula sa Officde of the President.
Mayroon namang P3-M na ibinigay kay Marcial na nakasaad sa batas at karagdagang P1-M na cash mula sa office of the President.
Ilang mga atleta na sumabak sa Tokyo Games ay nabigyan ng tig-P200,0000, Presidential Citation kung saan personal din itong tinanggap nina Elreen Ando ng weightlifting at shooter Jayson Valdez.
Sa kaniyang talumpati binati ng pangulo ang mga atleta tiwalang magtatagumpay sa mga darating mga torneo.