Labis na ikinasiya ng mga atleta na lumahok sa 32nd Southeast Asian Games at 12th ASEAN Para Games matapos na dinoble ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga insensitibo na natanggap ng mga nakakuha medalist.
Sa ginawang pagbibigay parangal ng mga medalist ng katatapos na mga torneo ay tiniyak ng Pangulo na kaniiyang gagawin ng paraan para mailabas ang tunay na husay ng mga atleta.
Nahihiya umano ito na nababatikos ang gobyerno dahil sa kakulangan ng suporta na ibinibigay nila sa mga atleta.
Dahil dito ay tinapatan ng pangulo ang kabuuang halos na P50 milyon na cash incentives na natanggap ng mga medalists base na rin sa nakasaad sa Republic Act 10699.
Base sa batas na ang mga SEA Games individual gold medalist ay mayroong P300,000 na matatanggap habang P150,000 naman ang silver medalist at P60,000 naman ang mga bronze medalists habang ang mga ASEAN Para Games medalist ay kalahati ng halaga ng natanggap ng mga SEA Games medalist.