Magkahalong kasabikan at galak ang nararamdaman ngayon ng mga atleta ng bansa ilang oras bago ang porma na pagsisimula na ng Paris Olympics.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino na nakahanda na ang mga atleta na makikilahok sa parada ng opening ceremony.
Kasama niya si POC Secretary General Wharton Chan na nagsagawa ng inspections a Olympic village kung saan mananatili ang mga atleta.
Dagdag pa Tolentino na natugunan naman ng lahat ng mga problema nila ng mga Paris Olympics organizers.
May ilang mga coaches at opisyal ng POC ang naantala ang pagdating dahil sa nadelay ang biyahe bunsod ng pananalasa ng bagyong Carina.
Kumpiyansa si Tolentino na mahihigitan ng Pilipinas ang bilang ng medalya na kanilang nahakot noong nakaraang Tokyo Olympics.
Magugunitang mayroong 16 sa kabuuang 22 na mga atleta na lalahok ang sasali sa parada sa opening ceremony na gaganapin ng madaling araw ng Sabado oras sa Pilipinas.