-- Advertisements --

Magkakasabay na babalik sa bansa ang Team Philippines na sumabak sa Paris Olympics sa Agosto 13.

Pangungunahan ito ni Carlos Yulo na nagtala ng 2 gintong medalya mula sa floor exercise at vault.

Sinabi ng 24-anyos na si Yulo ay magkakasabay silang mga atleta at lahat ng delegasyon ng bansa na uuwi .

Kinumpirma rin nito na magkakaroon ng heroes parade sa pagbabalik niya sa bansa bilang pagpupugay sa lahat ng mga atleta.

Magugunitang inihayag ng ilang opisyal ng Philippine Olympic Committee na kanilang isinasapinal na ngayon ang gagawing heroes parade.