LA UNION – Nasa mabuting kondisyon ang mga atleta ng Region 1 para sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Davao City sa Abril 28, 2019.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Delia Hufalar, La Union Division School Program Supervisor, siniguro nitong walang anumang sakit ang mga atleta.
Bagama’t may una ng napabalitang kinapitan ng sakit na bulutong tubig mula sa lalawigan ng Pangasinan ay wala nang iba pang dinaramdam ang mga ito.
Ayon kay Hufalar, physically fit ang mga ito at sinisiguro nilang nasa maayos na pangangatawan ang mga manlalaro sa naturang sporting event.
Aabot naman sa 70 delegado ang makikibahagi sa Palaro na kinabibilangan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya.
Kabilang sa sasalihan laro ng mga atleta at archery, futsal, softball at wrestling.