-- Advertisements --
Nadadagdagan pa ang mga bansa na nagdesisyon na bakunahan ang kanilang mga atleta na sasabak sa Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo.
Pinakahuli dito ay ang Italy kung saan halos two-thirds ng mga Italians na qualified sa Tokyo Olympics ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.
Ayon sa Italian Olympic Committee na karamihan sa mga naturukan na ay mga enlisted sa military.
Sisimulan din nila sa darating na Biyernes ang pagpapabakuna sa mga ilang atleta, coaches at mga staff members.
Aabot na sa 237 na mga atleta ng Italy na kuwalipikado sa Olympics ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.
Magugunitang inanunsiyo rin ng Australia ang pagpapabakuna ng kanilang mga atleta nasasabak sa nasabing torneo na magsisimula sa Hulyo 23.