ILOILO CITY – Nagbabala ang organisers ng 2020 Olympics sa Tokyo, Japan na hindi dapat gamitin ng mga atleta ang nasa 160,000 free condoms na ibibigay sa kanila.
Ito’y kasunod ng natanggap na kritisismo ng organizers dahil sa umano’y promosyon ng sex sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocol katulad nalang ng pagbabawal sa physical contact.
Ayon kay Bombo international correspondent Josel Palma direkta sa Japan, nilinaw ng Olympic organizers na hindi para gamitin ng mga atleta sa athletes’ village ang nasabing condom at sa halip, iuuwi nila ito bilang token at gamitin sa promosyon ng HIV at aids awareness.
Napag-alaman na daan-daang libong free condoms ang pinamimigay simula noong Seoul 1988 Olympics upang maengganyo ang mga atleta na mag-practice ng safe sex.