-- Advertisements --

Nakatanggap ng dagdag na cash incentives ang mga atletang nakakuha ng medalya noong 2023 Asian Games sa China.

Pinangunahan ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino ang pamamahagi ng bonus cash incentives.

Mayroong P1- milyon ang natanggap ng apat na gold medalist gaya nina EJ Obiena sa pole vaults, Annie Ramirez at Meggie Ochoa ng Jiu Jitsu at ang Gilas Pilipinas.

Mayroong tig-kalahating milyon para sa 2 silver medalist at P300,000 para sa 12 bronze medalist.

Ang nasabing halaga ay bukod pa sa cash incentives na ibinigay ng gobyerno na naaayon sa batas.

Sinabi ni POC President Bambol Tolentino na nakatuon ngayon ang atensiyon ng mga atleta sa paghahanda para sa 2024 Paris Olympics.

Magugunitang mayroong pitong atleta ang tiyak na para sa Paris Olympics.