Muling tiniyak ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na makakatanggap ng bahay at lupa ang sinumang atleta na makakakuha ng gintong medalya sa Paris Olympics.
Ayon kay Tolentino na isa itong dagdag na premyo bukod sa mga cash incentives na nasasaad sa batas.
Ito na kasi ang pang-100 taon na ang Pilipinas ay lumalahok sa Olympics.
Dagdag pa ni Tolentino na mula noong ito ay umupo sa puwesto ay hindi nawawala ang nasabing premyo maging ito ay sa Southeast Asian Games at lalong lalo na sa Olympics.
Noong 2021 ay naging kauna-unahang recipient ng house and lot si Hidilyn Diaz ng magwagi ito ng gintong medalya sa Tokyo Olympics sa sports na weightlifting.
Nakasaad sa batas na ang mga gold medalist ng Olympics ay makakatanggap ng P10-milyon habang ang silver medalist ay mayroong P5-M at bronze medalist ay P2-M.
Magaganap ang Paris Olympics mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11.