-- Advertisements --
pinoy 7

Nasa kani-kanilang mga inilaang kuwarto na sa Olympic Village sa Tokyo ang mga atleta ng bansa.

Ito ay matapos ang pagdating nila sa Tokyo na magsisimula na ang Olimpiyada sa Hulyo 23.

May mga nakasabit na ring mga watawat ng bansa kung saan pansamantalang titira ang mga Filipino athletes.

Nagsimulang mag-ikot na rin sa athletic village sina Olympian weightlifter Hidilyn Diaz kasama ang kapwa weightlifter na si Elreen Ando, mga boksingerong sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at gymnast Carlos Yulo.

Nagtungo naman sa Tokyo Aquatics Centers ang mga swimmers ng bansa na sian Remedy Rule at Luke Gebbie.

pinoy 1

Habang nagsagawa rin ng training si rower Cris Nievarez sa Sea Forest Waterway ang lugar kung saan gagawin ang rowing at canoeing events simula sa Biyernes.

Parating din sa ibang mga araw ang ilang atleta ng bansa gaya sina pole vaulter EJ Obiena at golfer Juvic Pagunsan na inaasahan sa opening day habang sa Hulyo 29 naman sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan para sa pagsisimula ng women’s golf tournament sa Agosto 4.

Magugunitang walang papayagang fans na manonood sa mga laro dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

pinoy athletes