-- Advertisements --
Naniniwala si Philippine chef-de-mission to the 2020 Tokyo Olympics Mariano “Nonong” Araneta, na makakapagsimula ang mga atleta na mag-ensayo.
Sinabi nito na pinag-aaralan na rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga protocols na susundin ng mga atleta sa pagbabalik ng kanilang ensayo.
Dagdag pa nito na nakipagpulong siya sa PSC , Philippine Olympic Committe at national sports association (NSA) at napag-usapan ang mga protocols bukod pa sa mga venues.
Ilan sa mga posibleng venue para sa mga manlalarong tiyak ng makapasok sa Olympics ay sa Philsport Arena sa Pasig.
Tiniyak din nito na ang lahat ng mga atleta na may malaking tsansa para sa Olympic ay suportado ng gobyerno.