-- Advertisements --

Nakatakdang makatanggap ng mga cash incentives ang mga atleta ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann na ang nasabing mga cash incentives ay kanilang matatanggap bago pa ang ganapin ang kumpetisyon.

Ang nasabing mga cash incentives aniya ay mula sa mga senador gaya nina Senator Risa Hontiveros, Senator Bong Go at iba.

Mayroon ng napirmahan na cheque ang PSC chairman na nagkakahalaga ng P30 milyon.

Magugunitang sa kasalukuyan ay mayroong 15 mga atleta na ang sasabak sa Paris Olympics na kinabibilangan nina pole vaulter EJ Obiena; gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Ruivivar, and Emma Malabuyo; boxers Aira Villegas, Nesthy Petecio, Hergie Bacyadan, Eumir Marcial and Carlo Paalam; rower Joanie Delgaco; weightlifters Vanessa Sarno, John Ceniza, and Elreen Ando, atfencer Sam Catantan.

Umaasa naman si Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na maaring madagdagan pa ang bilang ng mga atleta na sasabak.