Pinayagan na ng gobyerno ang pagsasagawa ng bubble training ng mga national athletes na sasabak sa Southeeast Asian Games (SEA Games).
Sa inilabas na joint administrative order ng Philippine Sports Commission, Department of Health at Games and Amusement Board, mayroong istriktong pagbabantay ang gobyerno sa mga magsasagawa ng training bubble.
Nataon na rin ang pag-apruba ng nasabing joint administrative order dahil sa nakahanda na rin ang mga sports facilities na nasa Baguio City.
Nakasaad din sa kautusan na pirmado ni PSC Chairman William Ramirez, GAB Chairman Baham Mitra at DOH Secretary Francisco Duque III na pinayagan ang mga contact at non-contact sports na magsanay sa mga lugar na nasa ilalim ng moderate at low-risk community quarantine classifications.
Mayroon ding nakatalagang health and safety officers para patuloy na mag-monitor sa mga health status ng lahat ng mga nasa loob ng training.