-- Advertisements --

Bubuksan na sa mga audience ng Italian Open tennis torunament ang mga semifinals at finals.

Ayon kay Sports Minister Vincenzo Spadafora, mayroong hanggang 1,000 mga audience ang kanilang papayagang manood sa mga torneo.

Mula ng magsimula kasi ang Italian Open tennis tournament ay pinagbawalang manoond ang mga audience dahil na rin sa banta ng coronavirus.

Nauna ng isasagawa ang torneo noong Mayo subalit dahil sa COVID-19 ay ipinagpaliban na ito ngayong buwan.

Paglilinaw pa ni Spadafora, na lahat ng mga outdoor sports ay papayagan na magkaroon ng hanggang 1,000 audience basta nasusunod ang protocols gaya ng social distancing, pagsusuot ng face mask at dapat ay mayroon ng reserved seating.