Pinakikilos ni Senador Sherwin Gatchalian ang Philippine National Police (PNP), Department of Education (DepEd), Lokal na Pamahalaan ng Taguig at Scene of the Crime Operatives na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang estudyante na natagpuan sa Signal Village National High School sa lungsod ng Taguig noong Biyernes ng gabi.
Bukod dito, nakiusap din ang Senador sa publiko na iwasan ang pagbabahagi ng hindi verified na impomasyon na maaring humantong sa kalituhan kung saan dapat na respituhin ang mga naiwang pamilya na ngayon ay labis na nagdadalamhati sa nangyari sa kanilang mga anak.
Kinakailangan aniyang malinawan ang publiko upang maiwasan ang mga ganitong haka-haka sa mga online platforms.
Kaugnay nito ipinaaabot naman ni Gatchalian ang kanyang pagdadalamhati at pakikiramay sa mga naiwang kaibigan, guro, classmates, at pamilya ng dalawang mag aaral.
Dahil dito, naniniwala si Gatchalian na higit na kailangan ngayon ang paglaban sa mental health crisis sa mga paaralan kung saan naaprobahan na sa Senado ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Senate Bill No. 2200) sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang buwan ng Setyembre.
Dagdag pa ng Senador na patuloy niyang pagsusumikapan na maitaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag aaral pagdating sa usapin ng mental health.