-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay officials na huwag palabasin ang mga tao na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 dahil itinuturing ang mga ito bilang “walking spreaders”.

Sa kaniyang ulat sa mga bayan nitong Miyerkules ng gabi ipinag-utos niya sa mga kapulisan at mga barangay officials na samahang pabalik sa kanilang bahay ang mga taong hindi pa bakunado at huwag hayaan silang gumala.

Dagdag pa ng pangulo na para makatulong ang mga ayaw magpabakuna ay mabuti pang hindi na sila lumabas para hindi pa tumaas pa ang bilang ng Delta variant.

Aminado ang pangulo na walang batas na nagbabawal sa mga ayaw magpabakuna na lumabas kaya ito ang naisip niyang paraan kung saan handa niyang sagutin ito sa krote.