-- Advertisements --

Pinagbawalan ng Taliban ang mga kababaihan na lumbas ang mga ito sa television dramas ng Afghanistan.

Ang nasabing hakbang ay bagong panuntunan na ipinapatupad ng Taliban government.

Inatasan din nila ang mga babaeng mamamahayag na magsuot ng mga headscarves kapag sila ay lumalabas sa telebisyon.

Nais naman ng ilang babaeng reporter sa Afghanistan ng paglilinaw dahil hindi pa nila tiyak kung anong uri ng pantakip sa ulo ang kanilang isusuot.

Magugunitang mula ng hawakan ng Taliban ang pamumuno sa Afghanistan noong Agosto ay nagpatupad na ang mga ito ng paghihigpit sa mga kababaihan.