-- Advertisements --

Papayagan ng Taliban ang mga babae na mag-aral sa mga unibersidad.

Ayon sa kanilang bagong higher education minister na ipapatupad lamang ito at dapat hiwalay ang mga babae sa lalaki.

Sinabi pa ni education minister Abdul Baqi Haqqani na wala silang problema sa pagtatapos ng mixed-educations dahil bukas ang loob ng mga Muslims na tanggapin ito.

Malaki ang pagbabago sa ngayon ng kanilang edukasyon mula ng muling mamuno ang Taliban sa kanilang bansa.

Naniniwala ito na magiging matagumpay ang ipapatupad nilang bagong panuntunan sa pag-aaral.