Natapos na ng 81 na babaeng miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng Angels of the Sea Class 01-2021 ang kanilang first all-women special radio operators course.
Umabot sa dalawang linggong sumailalim sa pagsasanay ang mga kababaihan para mahasa ang kanilang pakikipag-usap sa pagpapatupad ng maritime law enforcement, maritime safety at security sa karagatan.
Ayon sa PCG na ang paggamit ng boses ng mga babae ay mababawasan ang tensyon at maiiwasan ang anumang komprontasyon lalo na sa pakikipag-usapsa mga Chinese at ibang foreign ships na sumasakop sa West Philippine Sea.
Sinabi naman ni Vice Admiral Leopoldo Laroya, PCG deputy commandant for operations, pinapahalagahan nila ang babaeng radio operators sa mga sasakyang pandagat nila lalo na sa pakikipag-usap sa mga dayuhan barko.