-- Advertisements --

Nagpahayag ng pakikiisa ang 72 kababaihan mula sa parlyamento ng British government kay Duchess of Sussex Meghan Markle kaugnay ng pakikipaglaban nito sa patuloy na paninira ng ilang publication sa pamilya nito.

Sa liham na ipinaabot ng mga ito para kay Meghan. kinondena nila ang maling mga headlines at storya na inilalathala ng ilang miyembro ng press.

Ilan sa pumirma sa naturang liham ay sina Labour MP Jess Phillips, Stella Creasy at Convervative MPs Tracey Crouch at Antoinette Sandbach.

Nanawagan din ang mga ito sa media na respetuhin ang right to privacy ng pamilya at itigil na ang paninira kay Meghan.

Kamakailan lamang nang idemanda ni Prince Harry ang may-ari ng isang publication dahil sa di-umano’y pangha-hack ng mga ito sa kaniyang cellphone noong 2002.

Sinundan naman ito ni Meghan ng isa pang demanda laban sa ibang publication dahil sa paglalabas nito ng pribadong liham na ipinadala ni Meghan para sa kaniyang ama.