-- Advertisements --
image 440

Nais ngayon ng National Captial Region Police Office (NCRPO) na mga kababaihan ang mga desk officers sa mga pangunahing presinto sa National Capital Region (NCR).

Depensa naman National Captial Region Police Office Chief Edgar Allan Okubo, base sa kanyang pag-aral at nakalap na video footage mula sa mga body camera ng NCRPO police officers, kumpara sa mga lalaki ay mas malawak ang presensiya ng mga kababaihan pagdating sa pakikipag-usap sa mga complainant.

Layon din ng hakbang na mas maunawaan ang mga complaint ng ating mga kababayan na tutungo sa bawat presinto sa Metro Manila.