Nasa 100 mga sundalong babae at pulis ang nakatakdang ideploy sa Marawi City para tumulong at sumuporta sa recovery, reconstruction and rehabilitation sa siyudad.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na ang magiging trabaho ng mga babaeng sundalo at pulis ay ifacilitate ang psychological intervention imbes ang psychosocial intervention, peacebuilding and prevention.
Sa panig ng AFP nasa 40 sundalong babae ang ipapadala habang sa panig ng PNP ay nasa 60.
Sinabi ni Arevalo na ongoing ngayon ang training sa mga ito na nagsimula nuong August 21 at magtatapos ito sa August 25.
Nakatakda namang ideploy ang mga ito sa sa August 29.
Pangungunahan nina AFP chief of staff Gen. Eduardo Ano at PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang send-off ceremony sa mga babaeng sundalo at pulis.
Inihayag ni Arevalo na ang pagbuo ng nasabing grupo ng mga kababaihan na nasa security sector ay brainchild ng ng pinagsanib na efforts ng AFP at PNP.
Pagbibigay-diin ni Arevalo na nais nila na magkaroon ng feminine touch lalo na sa rehabilitation, dahil ang nakatutok sa battle field ay mga sundalong lalaki.