GENERAL SANTOS CITY – Dinala sa hukay ang mga nakumpiskang baboy mula San Lorenzo Ruiz, Apopong nitong lungsod.
Kahit sa patuloy na pananahimik ng City Vetirinary Office sa tutuong sitwasyon sa lugar matapos hinakot ang lahat ng baboy.
Matapos nagmatigas ang mga residente na isurender ang kanilang baboy dahil bayaran lamang ng P5,000 bawat isa habang P1,000 bawat biik.
Kinagalit ng mga residente na walang imik ang mga kawani ng City Vetirinary kaya nagduda ang mga residente na may drama sa pagkuha ng mga baboy sa lugar kayat sinundan ng Bombo Radyo ang sasakyan na nagkarga ng nakumpiskang baboy at nadiskubre na dinala sa isang lugar sa Sinawal at duon hinulog sa malaking butas gamit ang isang backhoe.
Nagpatuloy naman na hinde sinasagot ni Dr Efraim Marin ng nasabing tanggapan ang tawag para bigyan linaw ang pagkapasok ng African swine fever dito sa lungsod.
Nalaman na ang hog industry sa lungsod ang pinagmulan ng mga baboy sa Metro manila matapos nagpositibu sa ASF ang iilang lugar sa Luzon na pinagkukunan ng karneng baboy.