-- Advertisements --
NAGA CITY – Umabot na sa 8,279 na mga baboy sa 11 na bayan sa Camarines Sur ang isinailalim sa depopulation dahil sa African Swine Fever (ASF).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Emy Bordado, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA)-Bicol, sinabi nito na ang nasabing mga lugar ay una ng mayroong nagpositibo sa nasabing sakit.
Ngunit ayon kay Bordado, tanging mga backyard hog raisers lamang umano ang binibigyan nila ng tulong pinansyal at hindi kasama ang mga commecial farm.
Samantala, muli namang nakapag tala ng mga panibagong kaso ng ASF sa lungsod ng Naga.
Sa ngayon nagpapatuloy pa umano ang monitoring ng Department of Agriculture (DA)-Bicol sa iba’t ibang lugar sa Camarines Sur na apektado ng nasabing sakit.