-- Advertisements --
Nakatakdang pauwiin na sa kanilang mga probinsiyang pinagmulan ng Task Force Disiplina ng Quezon City ang mga Badjao natives na pinaghuhuli dahil sa pamamalimos sa maraming kalsada ng lungsod.
Bukod aniya sa nasa peligro ang kanilang buhay ay wala silang mga suot na facemask at face shield.
Dinala ang mga ito sa DSWD kung saan inaayos na ang kanilang pagpapauwi.
Inaalam pa rin ng mga otoridad kung mayroong sindikatong kinaaniban ang mga naarestong Badjao natives.