-- Advertisements --

Tinambakan ng mga bagitong player ng Golden State Warrios ang Detroit Pistons, daan upang ibulsa ang malinis na 4 – 0 sa preseason ng NBA.

Nagawa ito ng Warriors sa kabila ng hindi paglalaro ng mga star player ng koponan na sina Stephen Curry at Draymond Green.

Nanguna sa panalo ng Warriors ang sophomore na si Trayce Jackson-Davis na gumawa ng 12 points 10 rebounds double-double performance.

Maging ang dalawang 2021 draft ng picks ng Warriors na sina Jonathan Kuminga at Moses Moody ay kapwa nagposte rin ng double-digit scores.

Sa panig ng Pistons, nasayang lamang ang 19 points ni Jaden Ivy at 18 points ni Cade Cunningham.

Hindi nakahabol ang Pistons sa 3-point shots ng Warriors matapos itong kumamada ng 18 3-pointers gamit ang 46.2 shooting. Tanging 7 3-pointers lamang ang naging kasagutan ng Pistons.

Sa unang quarter pa lamang, nagpasok na agad ang Warriors ng 31 points kontra sa 17 points ng Pistons.

Umangat pa sa 19 points ang kalamangan ng Warriors pagsapit ng 2nd quarter at hindi na rin nila ito hinayaang masayang pa hanggang sa matapos ang laban, 111 – 93.

Hawak ng Pistons ang 2 – 2 na kartada sa preseason.