Nanumpa na ang mga bagong senior officials ng Department of Transportation (DOTr).
Ang nasabing panunumpa ay ilang araw matapos na atasan ni Tranportation Secretary Vince Dizon ang lahat ng mga Undersecretaries at Assistant Secretaries na magsumite ng kanilang courtesy resignation.
Pinangunahan ni Dozno ang panunumpa ng mga bagong opisyal na kinabibilangan ni Giovanni Lopez bilang undersecretary for Administration , Finance and Procurement na papalitan niya si Jesus Nathaniel Martin Gonzales.
Habang si Mark Steven Pastor ay undersecretary for Road Transport and Infrastructure papalitan niya si Jesus Ferdinand Ortega.
Nanumpa rin si Jim Sydiongco bilang undersecretary for Aviation and Airports na papalitan si Reberto Cecilio Lim habang si Ramon Reyes bilang undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure at Dioscoro Reyes bilang assistant secretary for Road Transport and Non-Infrastructure na papalitan si Jose Lim IV.
Nanumpa rin sina Teodorico Jose Delfin bilang undersecretary for Planning and Project Development, na papalitan si Timothy John Batan; Raul Del Rosario bilang acting Director General and acting member of the Board of Directors ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP); at Villamor Ventura Plan bilang assistant secretary for Maritime na papalitan si Julius Yano.
Magugunitang ipinalit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Dizon matapos na bumaba sa kaniyang puwesto si Jaime Bautista na ang dahilan ng pagbibitiw ay dahil sa kaniyang kalusugan.