-- Advertisements --

Hinikayat ni Department of Justice Secretary Jesus “Crispin” Remulla ang mga bagong ahente ng National Bureau of Investigation na maglingkod ng buong tapat at husay.

Ginawa ni Remulla ang pahayag kasabay ng isinagawang commencement exercises sa 52nd National Bureau of Investigation Agents’ Basic Training Program.

Aabot sa 44 na elite class NBI agents ang matagumpay na nakapagtapos mula sa kanilang anim na buwang pagsasanay.

Ang apat na buwan dito ay ginugol ng mga ito sa NBI Academy sa Baguio City habang ang nalalabing dalawang buwan ay ginugol sa On-the-Job Training sa NBI main office .

Sa naging mensahe ni Remulla, pinaalalahanan nito ang bawat ahente ng NBI na maglingkod ng tapat at protektahan ang bawat mamamayang Pilipino.

Ang mga nagsipagtapos na bagong ahente ng NBI ay binubuo ng 32 abogado, 10 Certified Public Accountants at 2 registered criminologists.