Mabibili na sa unang linggo ng Hunyo sa susunod na buwan ang mga bagong inangkat na bigas ng National Food Authority (NFA) sa merkado.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, ang mga imported NFA rice na binili ng gobyerno ay ide-deliver sa mga merkado sa darating na June 5, 2018.
Mabibili ito sa mga palengke sa presyo na P27.00 hanggang P32.00 bawat kilo.
Inihayag ni Estoperez, inaasahan ng NFA na nitong katapusan ng buwan ng Mayo darating na sa bansa ang mga inangkat na bigas.
Paliwanag naman ni Estoperez na ang pagkakaiba sa presyo ng NFA rice, sa P32.00 sa bawat 100 na butil ng bigas ay nasa 15% ang basag at 85% ang buo, habang duon naman sa P27 sa 100 na butil 25% ang basag at 75% ang buo.
Target muna ng NFA na pupunuin ng stock ang mga palengke lalo na sa mga NFA outlets saka naman nito aayusin ang buffer stock.
Magugunita na nuong buwan ng Enero nagka-ubusan ang stocks ng NFA rice kahit sa kanilang mga warehouse.