-- Advertisements --

Pagdadagdag sa oil buffer stock ng bansa ang nakikitang solusyon ni National Economic Development Authorities (NEDA) Secretary Karl Chua upang pagaanin ang epekto ng taas-presyo ngayon sa mga consumers.

Ito ay kasabay ng pagpapakita ng Economic Development Cluster ng 14 na proposed interventions bilang pagtugon sa epekto sa ekonomiya ng krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kinakailangan aniya na taasan pa ng pamahalaan ang oil buffer stock ng bansa mula sa kasalukuyang 30 hanggang 45 na araw, na aminado naman siyang nangangailangan ng batas.

Dapat din aniyang taasan ang buffer stock ng liquefied petroleum gas (LPG) o cooking gas mula sa kasalukuyang pitong araw hanggang 15 araw, na nangangailan din ng batas.

Sa supply ng baboy, iminungkahi ng economic managers na palawigin ang mas mababang taripa na 15 percent sa quota at 25 percent out quota na may minimum access volume na 200,000 metric tons hanggang Disyembre 2022. Itinulak din nilang pabilisin ang pagpapalabas ng imported na baboy mula sa cold storage.

Sa isda, binigyang-diin ang pangangailangang mag-isyu ng certificate of necessity to import para sa maliliit na pelagic fish tulad ng galunggong, na magiging valid mula sa second quarter hanggang sa fourth quarter ng taon. Sinabi ng cluster na kailangan ng bansa ng karagdagang 140,000 metric tons para punan ang inaasahang supply gap na 200,000 metric tons.Top