-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na gagamitin muna para sa nalalapit na 30th Southeast Asian (SEA) Games ang mga bagong biling trucks at helicopter bago pa man ito ipamahagi sa iba’t ibang regional police units sa buong bansa.

Sa panayam kay Gamboa sinabi nito ang mga utility trucks ay gagamitin para mobilization lalo na sa deployment ng mga pulis na magbibigay seguridad sa SEA Games.

Kasama din aniya ang mga helicopters na maaring gamitin kung kinakailangan.

Ang mga nasabing PNP resources ay ipamahagi sa mga regional police offices pagkatapos ng SEA Games sa December 11,2019.

Nasa 27,000 police personnel ang i-mobilize ng PNP para tiyakin ang seguridad sa nasabing palaro.

Bukod sa utility trucks, gagamitin din para sa biennial meet ang nasa 21 explosive ordnance disposal vehicles.

Una nang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief BGen. Debold Sinas na simula sa Nobyembre 25 itataas na nito sa full alert ang seguridad sa Metro Manila.

“Itong mga trucks before we dispatch it to the region it will first be used by the SEA Games until December 11 and of course nandyan naman yung ating mga helicopters, 5 na yan ngayon, from zero in 2009,” pahayag ni Gamboa.