-- Advertisements --

Umabot na sa 4.36 million ang bilang ng mga bagong botante na naghain ng kanilang registration sa Commission on Elections mula nang binuksan ang voter registration noong Pebrero.

Mas marami sa mga bagong botante ay mga babae na umabot sa mahigit 2.2 million habang 2.1 million lamang ang mga lalaki.

Nananatili ang CALABARZON Region (R4A) na may pinakamaraming bilang ng mga bagong botante – 742,925.

Sinundan ito ng National Capital Region na may 603,496 registrants.

Pangatlo ang Central Luzon na may 510,503 applicants; pang-apat ang Davao Region na may 255,213 habang panglima ang Central Visayas na may 230,946.

Nananatili naman ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may pinakamababang bilang ng mga bagong botante na umabot lamang sa 57,709.

Paliwanag ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco, ang Cordillera ang may pinakamababang populasyon kumpara sa iba pang mga rehiyon sa bansa.

Maliban dito, maraming mga Cordilleran aniya ang nag-aaral sa Cagayan Valley at Ilocos Region na pinipiling magrehistro at bomoto na lamang dito kaysa bumalik sa kanilang sariling mga lugar.

Magtatagal ang voter registration hanggang Setyembre-30.