-- Advertisements --
cropped James Jimenez Comelec Spokesperson

Patuloy ang paghimok ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nais bumoto sa 2022 national at local elections na samantalahin na ang huling tatlong linggo ng Oktubre para magparehistro.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod na rin ito ng pagpapalawig sa voter registration na magtatapos na sana noong Setyembre 30.

Kung maalala dahil na rin sa hirit ng dalawang kapulungan ng kongreso ay napilitan ang Comelec na palawigin ang registration.

Ito ay sa pamamagiyan ng Resolution 10720 na napagdesisyunan ng Comelec en banc para bigyang daan ang ating mga kababayan na makarehistro matapos maipit sa mga hard lockdown dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang voter registration ay magsisimula mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa kanilang mga Comelec offices at mga mall.

Mula naman sa dating target ng Comelec na apat na milyong bagong botanteng magrerehistro ay halos nadoble na ito.

Sa huling data ng Comelec, ang nakarehistro ngayong mga bagong botante ay nasa kabuuang 7,994,821.