Binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na malaking ambag ang mga bago at dagdag na air craft at mga radar system para maging isang malakas at credible ang Philippine Air Force na may kakayahang protektahan ang bansa at ang sambayanang Filipino.
Sinabi ng Pangulong Marcos ang mga biniling mga karagdagang sasakyang panghimpapawid, pati na rin ang mga advanced na radar system ay siyang nagpabago sa kahandaan ng PAF at nagpahusay sa kanilang misyon.
Ipinuno ng Presidente na dahil ito, handa ang bansa lalo na ang PAF na harapin ang hamon nang may advanced na katumpakan, bilis, at puwersa.
Ipinagmalaki din ng Pangulo na kanilang pinalakas pa ang maritime domain awareness sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa ng maritime patrol mission.
Pinalakas din ng Pilipinas ang international defense and security engagements sa pamamagitan ng mga bilateral at multilateral military exercises kasama ang mga foreign counterparts.