-- Advertisements --

Bumisita ang mga bagong Defense and Armed Forces attache (DAFA) ng Pilipinas kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr, bilang opisyal na courtesy call ng mga ito, kasabay ng mga bago nilang tungkulin.

Dito ay nagbigay ng ilang pagpapayo ang AFP Chief para lalo pang mapagbuti at mapahusay ang relasyon ng bansa at ng AFP sa kanilang pupuntahang mga bansa.

Ang mga DAFA ang nagsisilbing ‘point of contact’ ng mga dayuhang bansa sa mga usapin ukol sa defense at seguridad.

Ang mga bago/incoming DAFA ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Captain Arnold Fortin, incoming DAFA sa bansang China; Colonel Michael Ramil Cabusas, incoming Assistant DAFA sa China; at Col. Ronald Gaboy, incoming DAFA sa Vietnam.